71
‘Liza regalo ng Diyos sa akin!’ – Enrique
By

‘Liza regalo ng Diyos sa akin!’ – Enrique

Baliw na baliw sa pag-ibig si Enrique Gil kay Liza Soberano.

At ipinagsigawan niya ‘yon sa kanyang Instagram.

“Hayy naku, kung ganyan naman ang makikita ko araw-araw ay mababaliw talaga ako. Happy Valentine’s Day to this gorgeous woman over here who stole my heart…” bungad na sabi ni Enrique.

Sa mensahe ni Enrique ay buong buhay na nga niya ang ibinigay kay Liza, ha!

“For once I’m happy I was stolen. Baby you are my heart, my soul and the blood that flows in me. I don’t think any words in IG can really fit in what I feel for you,” say pa nito.

Para kay Enrique, siya na ang pinakamasuwerteng lalake sa buong mundo. Regalo nga raw ng Diyos sa kanya si Liza.

“But one thing I do know is that I am the luckiest guy in the world and I am forever grateful to our lord Jesus Christ for giving me the most precious gift of all. Napakaswerte ko talaga.”

Ipinangalandakan pa ni Enrique ang isa pang katangian ni Liza.

“Because this woman right here has the biggest heart in the universe and I want to share to you to the world so that they can feel the love and happiness that you bring to me.”

Pero hindi raw ang kabuuan ni Liza ang ibabahagi niya sa mundo.

“Pero minsan lang naman madamot ako gusto ko sakin ka lang hehehee joke!” sabi pa niya.

Heto pa ang sundot ni Enrique:

“You give me hope every single day when I feel down I always go to you and instantly I’m up again. Just can’t live without you and I will always love you no matter what baby.

“Happy Valentine’s day bubu ko! I love you so much always and forever.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?