336

By

Liza, nakaharap na ang ka-lookalike na Momoland member

Sa wakas nakaharap na ni Liza Soberano ang kamukha niyang si Nancy McDonie ng K-pop group na Momoland.

Nagkita ang dalawa sa ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum noong Dec. 10.

Maraming beses nang bumisita sa bansa ang Momoland pero nito lang nagkita nang personal ang dalawang “crush ng bayan” na sina Liza at Nancy.

Kapwa binahagi nina Liza at Nancy ang litrato nila na magkasama.

Pareho silang “nice meeting you” ang caption sa post.

View this post on Instagram

Nice meeting you Liza

A post shared by Nancy Jewel McDonie (@gru_g.ru) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?