205

Nov 30, 2020 @ 17:46
By

Liza nagpa-wow sa ‘Darna’ training

Muling pinag-usapan si Liza Soberano at nabuhay muli ang panghihinayang ng marami na hindi siya ang magmamana ng “bato ni Darna”.

Ito’y matapos i-share ng mixed martial arts fighter na si Erwin Tagle ang video ni Liza noong nagti-training pa para sa bagong “Darna” movie. Kabilang si Tagle sa stunt team na nag-train kay Liza.

Magugunitang nag-backout si Liza sa “Darna” film noong nakaraang taon matapos mabalian ng buto sa daliri sa taping ng TV series na “Bagani”.

Hulyo 2019 nang pangalanan ng Star Cinema ang aktres na si Jane de Leon bilang bagong Narda/Darna.

Narito ang comment ng ilang fan:

tutzywutzy: “Ang angas ni Hopie!”

chnem43: “Gling! Kung di darna khit ibng superhero.”

mirandaabigael: “sayang talaga..galing pa naman ni liza..power!”

the_jomareal: “Baka c liza soberano pa rin ang darna. Plz abs cbn.”

winterluhh: “Super galing ni Liza grabee!! The Darna we never had!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?