119

Jul 4, 2020 @ 10:18
By

Liza nagmakaawa sa mga kongresista

Isa si Liza Soberano sa mga vocal ngayon sa pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN broadcast, kung saan ang pinakabago ay ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission sa Sky Direct at iba pang Kapamilya channel.

Sa serye ng tweet ni Liza, sinariwa nito ang kanyang pagiging fan ng network bago pa sumikat at makilala bilang Kapamilya star.

“I received what was probably one of the most heartbreaking text messages from one of our leaders in ABS-CBN,” sey ni Liza.

“The little fan girl in me is probably crying so hard right now. I grew up watching the Kapamilya channel and almost all of their teleseryes.”

Nagpasalamat din si Liza dahil sa break na nakuha sa ABS-CBN, kung saan isa siya sa mga naging pinakasikat na artista ngayong dekada.

Kaya naman nanawagan si Liza sa mga kongresista na buksan ang kanilang puso para muling mabuhay ang ABS-CBN, na kapag tuluyang nagsara ay maapektuhan ang nasa 11,000 na manggagawa.

“Please, open up your hearts and hear our voices. ABS-CBN has always and will always be in service of the Filipino people,” ayon kay Liza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?