21

Jan 7, 2022 @ 12:11
By

Liza nagdiwang kaarwan kasama si Enrique sa LA

Hindi lang noong Pasko magkasama ang magkasintahan na Liza Soberano at Enrique Gil.

Dahil magkasama rin ang dalawa sa pagdiriwang ng kaarawan ng aktres.

Sa Instagran post ni Liza, ipinakita nito ang kanilang larawan ni Enrique na magkasama sa isang restuarant sa Los Angeles, USA, para magdiwang ng kaniyang kaarawan.

“Ambiance and music was fantastic, the food was *chef’s kiss*, but it was everyone keeping us company that made this birthday dinner so exciting. Can’t wait for what’s in store! Thanks for such a lovely night!” caption ng aktres sa Instagram.


Nag-iwan din ng sweet na mensahe si Enrique sa kaniyang Instagram: “My one and only. Cheers to you, my love. Happy birthday.”


Matatandaang nitong nagdaang Pasko, nagdiwang din ang dalawa sa USA ng Pasko, kung saan kasama nila ang pamilya ng aktres. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?