67

Oct 23, 2020 @ 11:44

Liza maka-Kaliwa? Ebidensya muna – Lorenzana

“Kung wala pang ebidensya, do not talk about it.”

Pahayag ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa umano’y red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kay aktres Liza Soberano.

Martes sa Facebook, hinikayat ni Parlade na huwag nang suportahan ni Soberano ang women’s group na Gabriela, at dapat aniyang malektiyuran ito sa “tunay na hangarin” ng nasabing grupo. Naging speaker ang aktres sa isang Gabriela Youth webinar.

Sinabi rin niyang si Soberano ay “hindi pa” parte ng New People’s Army, ang hukbo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Pinalalayo rin ni Parlade si Liza sa mga aktibista, at binanggit pa ang ibang personalidad na nagsasalita ukol sa social issues gaya nina Catriona Gray at Angel Locsin.

“Kung wala pang ebidensya, do not talk about it. Huwag kang magpunta sa media,” sambit ni Lorenzana kay journalist Robert Mano, Biyernes.

“Although ELCAC has a very good idea, pero kung minsan e hindi mo naman pwedeng ilahat na, ‘yung shotgun ganun… And dapat may ebidensya tayo. Huwag mong sabihin na, ‘Leftist ‘yan!’ o ‘NPA ‘yan!’ Dapat, may ebidensiya tayo. Otherwise, just keep quiet,” aniya pa.

Kinundena ng legal counsel ni Liza na si Atty. Juanito Lim Jr. ang aniya’y red-tagging ni Parlade sa aktres, na nananatili aniyang apolitical.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?