15

By

Liza, Ice tuloy ang paggawa ng baby via IVF

Sharing is caring!

Tuloy pa rin ang plano nila Liza Diño-Seguerra at Ice Seguerra na magkaroon ng anak via In Vitro fertilization (IVF).

Pero mag-iipon daw muna sila dahil higit sa isang milyong piso ang halaga ng IVF procedure.

Inamin ni Liza na medyo nagi-struggle sila ni Ice financially. Si Liza na kasi ang nagtatrabaho sa gobyerno since nag-resign si Ice sa posisyon nito noong nakaraang April.

“Kasi ano, siyempre, di ba pareho kaming nasa gobyerno last year? So, talagang wala kaming ipon. Kasi ang suweldo dito sa gobyerno minus the tax.

“I mean, meron kaming lifestyle na na-maintain na, before we became government workers. So nag-suffer yun at ngayon pa lang ulit bumabalik lahat ng mga show ni Ice.

“So at least, sabi ko nga, eto yung ganda rin nitong may isang private person sa atin, no? Yung hindi na kami nag-iisip na tungkol sa gagastusin.

“So yun. Nag-iipon naman, ah, kasi malaki ang kailangan, eh. Mga one million plus.

“Kasi ngayon, nagbabayad kami ng bahay. Nagbabayad kami ng kotse. May mga maintenance cost na kami,” diin ni Liza.

Kinasal sina Ice at Liza noong December 8, 2014 in California. Merong anak named Amara si Liza sa dating partner nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?