114

Dec 18, 2017 @ 16:14
By

Liza-Enrique namigay ng pagkain sa mahihirap

Aba, viral photos ngayon sa social media ang paandar naman nina Liza Soberano at Enrique Gil para sa mga street children sa iba’t ibang lugar ng Maynila. Magkatuwang nga ang LizQuen sa pag-aabot ng pagkain sa ilang mahihirap nating kababayan na nasa kalye at obviously ay tuwang-tuwa sila na makita ang kanilang mga lodi.

Siguro nga ay dahil Pasko ngayon at naisipan naman ng dalawa ang mag-give back dahil sobrang dami naman nilang blessings na tinanggap sa taong ito.

At hindi ito isa lamang na promo ek-ek, huh, dahil wala naman silang pelikula na kasali sa MMFF 2017, huh, kaya feel ng lahat ang sinseridad nila sa pagbibigay-saya sa mga mahihirap.

Anyway, hindi lamang ngayon ito ginawa ng LizQuen dahil noong nakaraang birthdays nila ay pinasaya naman nila ang mga nasa charity homes para sa mga bata at matatanda.

Wow! May your tribe increase, ‘ika nga! (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?