254

Oct 26, 2017 @ 11:28

Liza at Enrique nag-celebrate ng anniversary

Hayan, nag-post lang si Liza Soberano ng pictures sa kanyang IG tungkol sa candle-lit dinner nila ni Enrique Gil sa Tagaytay, nagpiyesta na naman ang social media.

Sa mga asyumero at asyumera, ang October 24 daw ang anniversary date ng dalawa bilang magdyowa. Kaya, kahit ayaw pang umamin ang kanilang mga lodi, aba, aba, sila na ang gumawa ng kuwento, huh!

Wala namang binanggit si Liza kung anong klaseng date ito o kung gaano kaespesyal, pero isang rose emoticon ang nakaka-caption dito.

Well, puwede ngang i-assume na special date ito dahil ilang projects na ng dalawa ang hindi sila magkasama. Ibig sabihin ay wala na silang oras sa daily routine nila together na kanilang kinasanayan noon, kaya siguro they took time out na magkasama sa isang very romantic na lugar at set up.

Eh, dapat na lang, noh! Baka naniniwala ang LizQuen na absence make your hearts forget.

Kaya, bago mangyari ang lahat e, gawa na kaagad sila ng aksiyon para muling painitin ang affection niya sa isa’t isa. Charossss!

Pero, kung totoo ngang anniversary date nila ‘yun, eh, ‘di wow! Go na, devah?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?