Magkasamang nagtungo sa Big Apple sina Liza Soberano at Enrique Gil noong Martes para kunan doon ang ilang eksena sa pelikula nilang “Alone/Together” na ipalalabas bago ang Valentine’s Day.
Sa Instagram Story ni Enrique ibinahagi nito ang kuha habang nasa loob sila ng eroplano patungong New York City.
Ang “Alone/Together” ay love story nina Christine (Liza) at Raf (Enrique).
Nakatakda itong mapanood sa mga sinehan sa Pebrero 13.
Ito ang pagbabalik-tambalan sa movie ng LizQuen matapos ang blockbuster hit nilang “My Ex and Whys” taong 2017.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?