14

Sep 28, 2020 @ 20:23
By

Liza, Enrique lumipad pa-Amerika

Magkasamang nagtungo sa United States sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sinamahan ni Enrique si Liza para makapiling ng aktres ang kanyang lola Wanda na may sakit.

Si lola Wanda raw ang nagpalaki kay Liza at malapit ito sa kanya.

Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz sa ulat ng Inquirer Bandera, Sept. 25 umalis ang couple.

Ang alam daw ni Ogie ay hanggang November doon sina Liza.

Magugunitang bago umalis patungong US ay nagsampa na ng kasong kriminal si Liza laban sa empleyado ng isang internet service provider dahil sa viral “rape comment” nito laban sa aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?