26

Oct 23, 2020 @ 10:31
By

Liza dedma sa unsolicited advice ng heneral

Kahit binantaan ng isang military official ay hindi patitinag si Liza Soberano sa pagsasapubliko ng kanyang mga pananaw sa buhay.

Ayon ito sa abogado ng aktres na si Juanito Lim Jr.

“Liza is not afraid of this statement from [Lt.] Gen. Antonio Parlade [Jr.]. Though I must state we take note of the general’s advice, unsolicited as it may sound,” sambit ni Lim sa ANC, Oktubre 23.

“However, please know that Ms. Soberano will continue to exercise her constitutionally-protected right to free speech and expression without fear nor restrain from anyone,” aniya pa.

Winarningan ni Parlade, ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), si Soberano na baka mapatay ito kung magpapatuloy sa pagsuporta sa women’s rights group na Gabriela.

Matatandaang sa Zoom meeting ng Gabriela Youth na pinamagatang “Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child,” Oktubre 13, ang aktres ang nagsalita sa paksang “the young woman’s contribution to raising awareness and creating a safe environment for young women amid the pandemic.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?