By

Liza as Darna, anyare na?

Sharing is caring!

Iba rin ang datingan ng mga costume nina Enrique Gil at Liza Soberano sa upcoming fantaserye na Bagani sa ABS-CBN. Salungat ito sa mga nakaraang projects nila dahil para silang warriors of the olden time, huh!

Mala-Robinhood na babae ang dating ni Liza samantalang si Enrique naman ay warrior na warrior ang dating na mala-pintados.

Maninibago ang kanilang mga faney dito, pero hahangaan naman nila ang dalawa dahil nagta-try talaga silang lumayo muna sa kanilang comfort zone na rom-com para naman meron naman silang naihahain sa publiko na kakaiba.

Para doon naman sa medyo dismayado sa bagong paepek na ito ng LizQuen, ‘wag namang ma-depress-depress-an dahil ang pagkakaalam namin ay sa ilang episodes lang sila kasama dahil muli silang sasabak sa isang teleserye na kanila talaga at kakaiba rin ang konsepto, noh!

At saka, tama lang na huwag masyadong ibabad si Liza sa mala-Robinhood na character niya dahil baka masyado itong dumikit sa image niya, e, makalimutan ng mga utaw na siya pa rin ang makabagong Darna, devah?

Magandang training ground sa kanya ang action scenes niya sa Bagani bilang preparasyon sa madugong fight scenes niya sa Darna, pero mahirap kasi kapag minahal na ng utaw ang karakter niyang ito at mag-suffer naman ang babaeng lumunok ng bato, devah?

‘Yun lang!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?