286
Liza balik bansa matapos magpa-finger surgery sa US
Jul 23, 2019 @ 17:35
By

Liza balik bansa matapos magpa-finger surgery sa US

Dumating na mula Amerika si Liza Soberano matapos ang operasyon niya sa daliri.

Sinorpresa at sinalubong ang pagbabalik niya ng kaniyang boyfriend na si Enrique Gil at ilang kaanak.

Tatlong buwan na naglagi sa US ang Kapamilya actress para sa kaniyang finger injury na natamo sa taping ng “Bagani”.

Ilang operasyon ang pinagdaanan ng kaniyang right index finger at ang complications nito gaya ng bone infection ang dahilan kaya nagtagal siya sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?