125

Nov 3, 2020 @ 21:32
By

Liz Uy naging true love si John Lloyd

Muling sinariwa ni Liz Uy ang naging past nila ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa interview kay Liz ni G3 San Diego, naurirat kung papaanong nakapasok si Liz sa entertainment industry bilang fashion stylist.

Sey ni San Diego, si Lloydie ang naging dahilan kaya naging tanyag ang stylist sa mga showbiz people.

“Jinowa mo kasi si John Lloyd Cruz kaya nangyari iyon,” lahad ni San Diego.

Depensa naman ni Uy, tunay niyang minahal si John Lloyd, na nagkaroon ng relasyon noong 2006.

“Pero true love naman iyon. Hindi naman jinowa lang,” ayon kay Uy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?