598

Oct 29, 2020 @ 9:53
By

Liz Uy kinunsinti pa! Anne, Vice, Isabelle sinuka ng mga netizen

Hot topic sa social media ang paglantad ni Liz Uy sa kanyang engagement sa negosyanteng si Raymond Racaza sa kanyang Instagram post.

Ito’y matapos na muling mabalikan ang isyung kinaharap ng celebrity stylist noong 2018 nang ianunsyo nito ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ni Racaza.

Ngunit kasabay ng pagbubuntis ni Uy ay ang balitang kasal pa si Racaza sa isang rheumatologist na si Dr. Geraldine Zamora, kaya naman bumuhos ang mga nagsabi na ‘other woman’ at ‘home wrecker’ umano si Liz.

Gayunpaman, sa social media ay maraming mga celebrity ang bumati kay Liz sa kanyang engagement tulad nina Anne Curtis, Vice Ganda, Alex Gonzaga at iba pa.

Hindi ito nakatakas sa mga netizen at nadamay din sa pangba-bash dahil parang kinukunsinti umano ng mga ito ang maling ginawa ni Uy.

Nadawit din si Isabelle Daza sa gulo dahil napag-alaman ng mga netizen na magkaibigan pala ito at si Zamora, ngunit tinawag siyang ‘best cupid’ ni Uy sa engagement nila ni Racaza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?