1,457

Mar 18, 2018 @ 19:34
By

Liz Uy kinawawa ng mga netizen

Dahil pinili ni Liz Uy ang ibalandra sa social media ang pagiging single mother niya, hindi niya ngayon makokontrol ang mga bashing, more so, paglalantad ng tunay na identity ng ama ng kanyang anak.

Sa kabilang banda, mas mabuti na rin yun para isahan na lang ang bigwas ng matatawag nating pangamba niya in the future. Maybe she wanted to try and test her courage sa isyung very soon din naman ay lalabas sa publiko.

Sari-sari ang mga ibi­nabatong salita ngayon sa minsang naging sikat na stylist ng mga sikat at kilalang celebrities. Nakakaawa man, pero sure kaming pinag-isipang mabuti ni Liz ang mga hakbang niyang ginagawa to prove to the world na isa siyang ina ngayon.

Kung wala man siyang makuhang suporta sa ama ng kanyang anak dahil umano sa may sabit ito (read: may pamil­ya na), well, at least para sa anak niya ay na­ging proud si Liz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: