60

Oct 28, 2021 @ 15:37
By

Live selling ni Madam Inutz tuloy sa PBB House

Tuloy pa rin ang pagiging online seller ni Madam Inutz kahit pa siya ay parte ng “Pinoy Big Brother Kumunity 10” bilang celebrity housemate.

Ito ay matapos siyang payagan ni Kuya na mag-live selling sa loob ng PBB house sa piling oras at araw.

“Salamat at pinayagan tayo sa Bahay ni Kuya mag live selling sa fan page ko every Tuesday at Friday ng 10AM to 11:30 AM,” wika ni Madam Inutz.

Gayunman, hindi masasaksihan ng kanyang mga followers ang kanyang pagmumura na isa sa mga dahilan kung bakit siya sumikat sa social media.

“Pero hindi ako makakashoutout at mura dahil no contact outside the world tayo sa PBB,” aniya.

Pinayagan umano si Madam Inutz na mag-live selling sa loob ng bahay para makatulong pa rin sa pinansyal na pangangailangan ng kanyang pamilya, partikular ang nanay niya na may sakit.

“At sa lahat ng may order mag PM lang sa fan page at yung screenshot para maasikaso ng admin ko. Love you all.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?