161
views
crime-scene-dead
By

Live-in partner, suspek sa masaker ng 6 na buwang buntis, pamangkin

Sharing is caring!

Patay sa pananaksak ang isang 6 buwang buntis at grade 4 na pamangkin nito sa loob ng bahay nito sa Mandaluyong City.

Nakilala ang biktimang babae na si Maria Rasula Paumil (40).

Base sa inisyal na impormasyon, posibleng Lunes pa nangyari ang krimen pero Martes na ng hapon nang matagpuan ang mga bangkay ng biktima sa tulong ng isang tipster.

Ayon sa Mandaluyong Police, pangunahing suspek sa pananaksak ang hindi pa lumilitaw na live-in partner ng buntis nan biktima na si Benjamin Pabines, isang taxi driver.

Itinuturing ng mga imbestigador na “crime of passion” ang pananaksak at selos ang posibleng motibo sa likod nito.

Tinutugis na ng mga pulis ang suspek sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?