42

Oct 23, 2020 @ 20:41
By

Live-in partner ni Tekla pumayag sa drug test

Isasalang sa drug test, pati na rin sa lie detector test, ang nagreklamong live-in partner ni Super Tekla sa programa ni Raffy Tulfo.

Nitong Biyernes sa ‘Wanted sa Radyo’, tinanong ni Tulfo kung handa ba si Michelle Lhor Bana-ag na dumaan sa mga nasabing test para masigurong malinis ito sa iligal na droga at nagsasabi ng totoo sa kanyang mga paratang sa komedyante.

“Lahat po ‘yan handa akong harapin,” saad ni Michelle.

Paliwanag ni Tulfo, ang drug at lie detector test ay base na rin sa request ng mga follower ng show na nagdududa sa mga paratang ng live-in partner ni Tekla.

“Hindi ko rin naman po sila masisisi dahil nga po sa past ko hinalungkat po nila, handa po ako ngayon patunayan na wala po talaga,” mensahe ni Michelle sa mga netizen.

Matatandaan na nireklamo ni Michelle si Tekla kung saan ginugutom umano sila ng komedyante kapag hindi siya pumapayag na makipagtalik.

Depensa naman ni Tekla, hindi totoo ang mga alegasyon ni Michelle pati na ang umano’y pagpaparaos habang nasa harap ng kanilang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?