116

Jan 1, 2020 @ 18:12
By

Live-in partner natagpuang nakabigti ang kinakasama

Wala nang buhay nang matagpuan ang isang babae makaraang matagpuang nakabigti sa loob ng banyo ng tinitirhang condominium unit sa Taguig City.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Charmaine, at nakatira sa Bonifacio Global City, Fort Bonifacio.

Base sa paunang ulat ng Taguig City Police, dakong alas-4:15 ng madaling-araw nang madiskubre ang biktima na nakabigti ng kanyang live-in partner na si Christian.

Sinabi nito sa pulisya, susunduin niya at ilang kaibigan ang nobya para magtungo sa isang party nang makita niya ang biktima na nakabigti sa loob ng banyo gamit ang isang lubid.

Agad namang isinugod si Chairmaine sa St. Lukes Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival dakong alas-6:30 ng umaga.

Sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente upang mabatid kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal at upang makatiyak din na walang foul play na naganap.

Samantala ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa isang funeral homes upang isailalim sa awtopsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?