341

Nov 1, 2017 @ 11:52

Little Narco tag kay Trillanes, fake news

Tinawag ni Senador Antonio Trillanes na “fake news” ang mga column sa ilang pahayagan kung saan sinabing tinawag siya ni US President Donald Trump na “little narco.”

“That’s fake news. They can’t even cite the news outfit that conducted the interview,” sinabi ni Trillanes sa isang text message.

Sa column sa Philippine star, sinabing “major embarassent” para kay Trillanes nung bansagan ito ni Trump na “the little narco who met with Senator Marco.”

Sinabi raw iyon ni Trump sa isang mamamahayag habang sakay ng Air Force One.

Sinulat din ito ng mga kolumnista sa ilang tabloid.

“They can’t even cite the news outfit that conducted the interview,” diin ni Trillanes.

Matatandaan na nakipagkita si Trillanes noong nakaraang buwan kay US Senator Marco Rubio at sa iba pang mga opisyal ng pamahalaang America.

Sinabi ni Rubio sa kaniyang twitter account na pinag-usapan nila ang alyansa ng America at Pilipinas, paglaban sa katiwalian at ukol sa mga karapatang pantao.

Pinag-umpisahan ito ng alegasyon na nag-uudyok si Trillanes sa mga opisyal sa America para awatin si Trump na pumunta rito sa Pilipinas ngayong Nobyembre para sa pulong ng Association of South East Asian Nations (ASEAN).

“In the first place, those senior US government officials would not meet with me if I had dubious credentials,” dagdag ni Trillanes.

Inupakan naman nito si RJ Nieto, ang pro-Duterte na nagsusulat sa Thinking Pinoy blog na nagpakalat umano ng maling impormasyon.

“It goes to show that this RJ Nieto aka Thinking Pinoy is not thinking after all,” aniya.

“Besides, a significant remark like that would have been captured by mainstream media and not released through bloggers, fake news websites and tabloid columns. Let us be more discerning about these things,” diin pa ni Trillanes. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?