428

Sep 14, 2019 @ 18:51
By

Litrato nina Bea, Julia na masaya sa ABS-CBN Ball 2018, viral sa socmed

Nitong Sabado gaganapin ang ABS-CBN Ball 2019, pero bago ang pinakaaabangang event, lumutang ang throwback photo nina Bea Alonzo at Julia Barretto na kuha noong nakaraang taon na Ball.

Inilabas ng isang gossip website ang screenshot ng naturang litrato na mula sa Metro Mag PH Instagram.

May petsa itong October 5, 2018 kung saan makikita sina Bea at Julia na nagtatawanan at masaya kasama si Joshua Garcia.

Nitong taon na ABS-CBN Ball tila imposible nang makunan ng happy moment sina Bea at Julia.

Magugunitang pinag-usapan ang dalawa dahil si Julia umano ang dahilan ng hiwalayan nina Bea at Gerald Anderson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?