118

Jul 22, 2021 @ 16:40
By

Lito Atienza pahinga na sa politika

Desidido nang magretiro si Cong. Lito Atienza pagkatapos ng kanyang termino sa 2022 upang magbigay-daan sa mga batang politiko.

“Ako’y desidido na eh. I am retiring after this term,” sambit ng mambabatas sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Abante Radyo Tabloidista.

Paliwanag niya, sapat na ang 25 taon niyang serbisyo sa politika, na unang nagsilbi bilang assemblyman bago naging vice mayor, at kalauna’y naging alkalde ng Maynila.

“Palagay ko panahon na para bigyan natin ng daan yung mga katulad ni Isko Moreno, mga bata na mga politiko na sila naman ang pumasan ng problema ng bayan.”

Gayunpaman, bukas pa rin si Atienza sa serbisyong publiko kahit wala na sa posisyon, aniya’y nais niyang maging adviser para sa susunod na Pangulo ng bansa.

“I feel like I’d be very effective as an adviser; to the next president, to the city of Manila. I can also participate and do my share in shaping government direction and policies para sa kapakanan ng tao,” lahad ni Atienza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?