18

Jul 19, 2021 @ 15:11
By

Listahan ni Duterte ng senatoriables wala pa – Roque

Wala pang listahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa napipisil nitong mga senatoriables sa 2022 elections.

Ito ang inihayag ng Palasyo sa harap ng umiinit na simoy pulitika para sa darating na eleksyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagamat may mga nababanggit ang pangulo, walang listahan aniya para sa mga mamanukin nito sa senado.

“Wala pa po talagang listahang nalalaman ako, bagamat nababanggit palagi ni presidente ang ilang mga pangalan. Pero yung listahan talaga ay wala pa po,” ani Roque.

Sa kanyang regular Talk to the People ay malimit banggitin o kaya tawaging ” senador” ni Pangulong Duterte sina Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade, Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo at ilan pang miyembro ng gabinete.

Hindi naman kinukumpirma ni Roque kung may plano rin itong sumabay sa presidentiables ng administrasyon dahil pinag-iisipan pa aniya at ipinagdarasal pa nito ang magiging susunod na desisyon.

Lumutang din ang pangalan ng komedyante at tv host na si Willie Revillame at aktor na si Robin Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?