36
james-jimenez
Nov 23, 2018 @ 15:25
By

Listahan ng party-lists sa 2019 polls, aayusin sa Disyembre – Comelec

Idadaan sa raffle ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasaayos ng listahan o order of listings para sa pagkakasunod-sunod ng party-lists.

Sa kanilang Twitter post nitong Biyernes, inanunsiyo ni Comelec spokesperson James Jimenez na magsasagawa ang poll body ng raffle para matukoy ang pagkakasunud-sunod ng pangalan ng party-list groups sa official ballots na gagamitin sa 2019 elections.

Isasagawa ito sa Disyembre 5 dakong alas-10:00 ng umaga sa Comelec Session Hall sa Intramuros, Manila.

https://twitter.com/jabjimenez/status/1065807740629438466/photo/1?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1065807740629438466%7Ctwgr%5E363937393b70726f64756374696f6e&ref_url=https%3A%2F%2Fnewsinfo.inquirer.net%2F1056493%2Fcomelec-to-draw-order-of-party-list-group-names-list-on-dec-5

May kabuuang 185 party-list groups ang kasali sa raffle.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?