81

Jul 21, 2021 @ 20:00
By

Listahan ng mga senatoriable ng administrasyon hindi galing kay Duterte – Roque

Itinanggi ng Malacañang ang lumabas na umano’y senatorial line-up ng administrasyon para sa 2022 elections na karamihan ay mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi niya maaaring kumpirmahin ang inilabas na listahan ni Governor Ben Evardone dahil hindi naman ito galing kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang maaari lamang aniya nitong kumpirmahin ay ang mga impormasyong nagmula mismo sa Presidente.

“Hindi ko po alam kung I can confirm this because it did not come from the President, and I only speak for the President,” ani Roque.

Nagpasalamat naman ang kalihim dahil napabilang ang pangalan nito sa listahang inilabas ni Evardone.

“I would like to reiterate my gratitude for the trust given by PDP-Laban and Governor Evardone,” dagdag ni Roque.

Pero inihayag ng kalihim na sa ngayon ay nakatutok ito sa kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng Pangulo at saka lamang ito magdedesisyon kung tatakbo sa pagka-senador kapag nakamit na ng bansa ang target na population protection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?