21
Listahan ng mga ospital na magagamit bilang COVID-19 testing lab, inilabas na
Mar 31, 2020 @ 16:07
By

Listahan ng mga ospital na magagamit bilang COVID-19 testing lab, inilabas na

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga ospital na maaaring magamit bilang COVID-19 testing laboratory.

Mayroon na ring mga ospital ang pinag-aaralan ng kagawaran na maaaring magamit bilang laboratory para sa COVID-19 testing.

Ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang gagawa ng hakbang para maitaas ang kapasidad o kakayahan ng mga ospital na makapagsagawa ng pagsusuri.

Anim pa lamang na laboratoryo ang nakapagsasagawa ng full scale implementation (Stage 5) ng COVID-19 testing.

Ito ay ang: Research Institute for Tropical Medicine; Baguio General Hospital and Medical Center; San Lazaro Hospital; Vicente Sotto Memorial Medical Center; Southern Philippines Medical Center; at University of the Philippines-National Institute of Health.

Ang ibang ospital ay nasa pagitan pa lamang ng Stage 1 hanggang Stage 4 categories ang kanilang laboratoryo.

(AUER DIAZ)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?