125

By

Listahan ng mga kandidato para sa 2019 polls, ilalabas na ng Comelec

Ilalabas na ng Commission on Elections (Comelec) sa November 19, 2018 ang paunang listahan ng mga kandidato para sa May 2019 midterm election.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 10441, ilalabas ng Comelec ang listahan sa kanilang website na www.comelec.gov.ph.

Makikita rin ang listahan ng mga kandidato sa mga tanggapan ng election officer kung saan naghain ng certificate of candidacy (COC) ang mga aspirante para sa nalalapit na eleksyon.

Ayon sa resolusyon, “Aspirants are encouraged to check their names to appear on the ballot.”

Samantala, ang pangalan naman ng mga substitute candidate ay ilalabas sa Comelec website sa November 30.

Ang paglalathala ng listahan ng mga kandidato ay sa layuning mabigyan ng pagkakataon ang mga aspirante na maitama ang kanilang pangalan na lalabas sa balota.

Ang hiling para sa pagtatama sa pangalan ay maaring ihain hanggang as November 29, 2018.

Ang mga substitute candidate naman ay mayroong hanggang December 7 para humiling ng pagtatama sa kanilang pangalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?