16
comelec1
By

Listahan ng mga kakandidato sa 2019, ilalabas sa Disyembre – Comelec

Sharing is caring!

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez na sa Disyembre maisasapinal ang listahan ng mga May 2019 midterm candidate.

“Matatapos po yung ating filing ng October 17. So, ora mismo pagpatak ng October 18, nag-eevaluate na kami niyan ‘no. So, ang expected natin na labas ng final list of candidates, mga December po,” saad ni Jimenez sa interbyu sa Radyo Inquirer.

Sa ngayon, 37 na ang nagpasa para sa senatorial race, 30 naman para sa mga party-list, sa unang araw ng COC filing.

Ang election period ay magsisimula sa January 13, 2019 hanggang June 12, 2019, ang eleksyon naman ay sa Mayo 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?