26
Task force na magrerebyu sa ‘good conduct’ ng preso, ilulunsad ng DOJ
By

Listahan ng mga convicted drug lord na nakalabas ng PH, hiningi ng DOJ

Humiling ang Department of Justice (DOJ) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ibigay sa kanila ang listahan ng convicted drug lords na sinasabing nakalabas na ng bansa.

Ito’y matapos igiit ni PDEA Director General Aaron Aquino na nasa labas na ng Pilipinas ang tatlong convicted drug lord at malabo na rin umanong magbalik sa bansa para sa boluntaryo nilang pagsuko.

Ani Aquino, kung babalik man ang mga drug lord sa Pilipinas, ang mga ito ay tiyak na magpapatuloy sa kanilang illegal drug operations at gagamit ng pekeng pangalan upang makaiwas sa paghuli.

Samantala, sinabi ni Justice Usec. Markk Perete, na sa beripikasyon ng DOJ ay wala pa ring nakakaalis ng bansa sa 1,914 persons deprieved of liberty (PDLs) na nahatulan sa heinous crimes ngunit maagang nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance.

Upang makatiyak, sinabi ni Perete na makakatulong sa DOJ at sa Immigration Bureau kung ipapadala at kikilalanin ng PDEA ang mga naturang drug lord na nakalabas na ng bansa nang sa gayon ay maisailalim na rin sila sa beripikasyon.

“Of the 1,914 PDLs prematurely released, we have verified all but 28. Of the number verified, none appear in the BI records to have left the country,” ani Perete.

“But just to be sure, it would help if we can get the names of the three mentioned by DG Aquino for us to run them though the BI records,” sabi pa niya.

Sa ganitong paraan, ani Perete, ay mahahabol din ng pamahalaan ang convicted drug lords upang maibalik muli sa New Bilibid Prison.

Nitong weekend, sinabi ni Perete na nasa higit 500 na ang mga surrenderee, na nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?