38

Nov 23, 2020 @ 17:18
By

Lista na championship? Marc Gasol pinitas ng Lakers

Hindi pa tumitigil ang Los Angeles Lakers sa pagpapalakasng kanilang lineup.

Ito’y matapos iulat ng ESPN na kukunin ng LA-based squad ang serbisyo ni Marc Gasol, kapatid ng dati ring Lakers legend na si Pau Gasol.

Sa nasabing report, pipirma ng 2-year, veteran’s minimum salary si Gasol para samahan sina LeBron James at Anthony Davis sa pagdepensa ng kampeonato.

Para makuha si Gasol, binitawan ng Lakers si Javale McGee at second round pick kapalit sina Jordan Bell at Alfonzo McKinnie mula Cleveland Cavaliers.

Malaking tulong si Gasol sa Lakers, lalo’t may championship experience na rin ito matapos magwagi sa Toronto Raptors kasama si Kawhi Leonard.

Bukod kay Gasol, ilan pa sa mga nakuha ng Lakers sa free agency ay sina Montrezl Harrell at Dennis Schroder, na kapwa naglaban para sa Sixth Man of the Year award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?