115

By

Lisensiya ng pasaway na si Isabel Lopez kanselahin

Sharing is caring!

Irerekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority at Land Transportation, Franchise and Regulator Board pagkansela sa driver’s license ng aktres na si Ma. Isabel Lopez dahil sa ilegal na pagpasok sa ASEAN Lane.

Ito ay ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago dahil aniya ang ginawa ng aktres ay itinuturing na serious breach of security.

Sa kanyang Instagram account, tila iniyabang pa ni Lopez ang ginawa niyang pag alis sa divider cones sa ASEAN Lane para makapasok siya at sumunod na rin sa kanya ang iba pang mga motorista na naipit sa matinding traffic.

Sinabi pa nito sa kanyang social media post na inakala ng MMDA na delegado siya ng ASEAN.

Nagiging viral na rin ang #belikemaria na tila panghihikayat pa sa kanyang ginawa.

Nabatid na iimbestigahan na ng organizing committee ng ASEAN ang ginawa ng aktres.

“The law must be applied to everyone, whether you are an ordinary Filipino or a public like Ms. Lopez,” sabi ni Emmanuel Miro, chair ng ASEAN Technical Working Group on Traffic Management.

Samantala, para makadagdag sa pag usad ng mga sasakyan pansamantalang binuksan na rin ng MMDA sa mga motorista ang mga flyover at underpass sa EDSA na kabilang sa ASEAN Lane.
(Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?