36

Nov 24, 2021 @ 19:06
By

Lisa ng Blackpink nagpositibo sa COVID-19

Malungkot ang mga ‘Blinks’ matapos mabalitaan na nagpositibo sa COVID-19 ang miyembro ng South Korean girl group Blackpink na si Lisa.

Kinumpirma ito ng YG Entertainment, kumpanya ng grupo, nitong Miyerkoles.

“BLACKPINK Lisa has been tested positive for COVID-19 this afternoon,” pahayag ng YG Entertainment.

Ang iba pang tatlong miyembro ng Blackpink ay sumailalim na rin sa COVID-19 testing at naghihintay pa ng resulta.

Dagdag pa nito, ipinagbigay alam agad ng ahensya sa ilang staff na nagkaroon ng close contact sa rapper ang kalagayan nito.

Sinabi naman ng YG Entertainment na magbibigay sila ng update sa sitwasyon sa lalong madaling panahon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,