54

May 19, 2020 @ 20:52
By

Liquor ban sa San Juan inalis na

Pinayagan na ang pagbebenta ng alak sa San Juan City.

Batay ito sa nilagdaang ordinansa noong Lunes ni Mayor Francis Zamora na isinapubliko ngayong Martes.

Layon nito na makatulong sa maliliit na negosyante sa epekto sa ekonomiya ng coronavirus disease pandemic.

Samantala, ipinagbabawal pa rin ang pag-iinuman sa mga pampublikong lugar at pinapayagan lang ang pag-inom sa loob ng bahay.

“In no case shall drinking beyond the premises of the house, including backyards and in any public places shall be allowed,” saad sa ordinansa.

Nagpatupad ng liquor ban sa San Juan noong Marso 30.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?