9

Feb 1, 2021 @ 16:10
By

Liquor ban sa Navotas inalis na

Tinanggal na ang ipinatutupad na liquor ban o pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa Navotas.

“Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-07, itinataas na po natin ang liquor ban o pagbabawal sa pagbili o pagbenta ng alak o inuming nakalalasing sa ating lungsod simula ngayon, 1 Pebrero 2021,” anunsyo ni Mayor Toby Tiangco sa Twitter post nitong Lunes.

“Ito po ay ayon sa ating napag-usapan na tatanggalin natin ang liquor ban pag manageable o hindi masyadong tataas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod pagkatapos ng Kapaskuhan.

“Bagaman tumaas po nang bahagya ang ating mga kaso, kaya pa rin po natin itong makontrol. Ngunit, mananatili pong ipinagbabawal ang pag-inom sa pampublikong lugar tulad ng daan, eskinita, liwasan, at labas ng tindahan na sumasakop sa pampublikong daan o bangketa alinsunod sa Municipal Ordinance 2002-06,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?