74

May 19, 2020 @ 22:19
By

Liquor ban sa Mandaluyong, binawi na rin

Nakisali na rin ang Mandaluyong City sa mga lungsod na nag-alis ng liquor ban.

Nitong Martes matapos ang dalawang buwan ay binawi na ng Mandaluyong government ang pagbabawal sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin sa lungsod matapos silang maisailalim sa modified enhanced community quarantine.

Naging epektibo ang liquor ban sa Mandaluyong noong Marso 17.

Ngayong Martes, limang lungsod na sa Metro Manila ang nagtanggal ng liquor ban kabilang ang Pasay, Quezon City, Marikina at San Juan.

Nag-alis na rin ng liquor ban ang Santa Rosa, Laguna ngayong araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?