38

May 26, 2020 @ 18:00
By

Liquor ban sa Iloilo City ibinalik

Muling ibinalik ni Mayor Jerry Treñas ang pagpapatupad ng liquor ban sa Iloilo City dahil sa umano’y pag-abuso sa pagbili ng mga nakalalasing na mga inumin at mga paglabag sa social distancing nitong Mayo 26.

Sa inilabas na Executive Order (EO) 082 ng alkalde, polisiya umano ng pamahalaan na protektahan at i-promote ang kalusugan ng bawat Pilipino o mga residente sa kanilang lugar.

Ang pagbalik muli sa liquor ban ay dahil sa mga natatanggap na reklamo ng alkalde na inaabuso ang pagbili ng mga alak, kasabay ng paglabag sa physical distancing.

“Effective immediately, the sale and consumption of any liquor or alcoholic beverages, or any alcoholic drink containing a specific percentage of alcohol by volume or weight which may be in the form of whisky, brandy, gin, rum, cordial, liquor, cocktail, wine, champagne, vermouth, base, tuba, saki, beer, ale, stout, and the like shall ‘BE ABSOLUTELY PROHIBITED, unless expressly lifted.” nakasaad sa EO.

Ang sinumang lalabag o magbebentang convenience stores, groceries, sari-sari stores at iba pang kaparehang establishments ng mga alak ay papatawan ng kaukulang parusa sa ilalim ng Iloilo City Tax Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?