52

May 29, 2020 @ 16:17
By

Liquor ban sa Cavite aalisin na sa June 1

Inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla nitong Biyernes na aalisin na simula Hunyo 1 ang pagbabawal sa alak sa Cavite.

“Effective June 1, the liquor ban is officially lifted,” saad ni Remulla sa Facebook post.

Pero ani Remulla, iyon lang may quarantine pass ang maaaring makabili ng nakalalasing na inumin, habang may curfew na 1PM hanggang 4AM ang pagbebenta nito.

“Bawal ang inuman sa labas ng bahayan o plain sight ng persons of authority. Huwag na naman sabihin na ‘Bahay ko, pwede ko gawin ang gusto ko.’ Pag sa loob ng bahay ay wala kaming pakialam. Huwag lamang in public view,” dagdag ni Remulla.

Bawal pa rin ang pagbi-videoke sa pampublikong lugar at mass gathering kahit pa nasa ilalim na ang lalawigan ng general community quarantine.

Mananatili rin ang curfew ng 8PM hanggang 5AM. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?