4,416

Apr 22, 2020 @ 15:15
By

Liquor ban inalis! Mga kalalakihan sa Iloilo nagdiwang

Hindi nakontrol ng mga kalalakihan sa Iloilo City ang kanilang excitement matapos maglabas ng Executive Order (EO) No. 66 na nagtatanggal ng ban laban sa pagbebenta ng nakalalasing na inumin sa lungsod.

Sa EO dapat pa ring sundin ang social distancing sa pag-inom ng alak at hindi dapat mag-inuman sa pampublikong lugar.

Ayon kay Mayor Jerry Treñas, bahagi ang pag-alis ng liquor ban sa “gradual reopening” sa Mayo 1, 2020.

Bunga nito, napasayaw ang ilang residente ng lungsod sa sobrang kagalakan.

Sa Facebook post ni Pj Mabaquiao III, makikita pang may bitbit na mga case ng beer ang mga lalaki habang nagsasayaw.

“THANK YOU MAYOR!! MABUHAY MGA PALAHUBOG!!!” caption ni Mabaquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?