20

Aug 7, 2020 @ 15:01
By

Liquor ban binalik sa Mandaluyong

Kasado na ang pansamantalang liquor ban sa Mandaluyong, habang nakasailalim sa modified lockdown ang Metro Manila.

Ayon sa lokal na pamunuan, ito’y para makatulong sa pagkakaroon ng social distancing at para mabawasan ang person-to-person contact sa mga residente ng lungsod.

Matatandaang pinatupad ang liquor ban sa Mandaluyong noong lockdown period o mula Marso 17 hanggang Abril 12.

Mayo 18 nang alisin ang ban upang makarekober ang mga lokal na liquor industry.

Agosto 4 naman epektibo ang pagsasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal. Magtatagal ito hanggang Agosto 18, 2020.

Kaya pinanumbalik ang liquor ban.

“There is a need for the City Government of Mandaluyong to reinforce and strictly enforce its social distancing measures and protocols to help contribute in containing the spread of the virus,” ayon pa sa Ordinance No. 790.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?