117

Oct 15, 2017 @ 10:40

Lipat-PDEA ng giyera kontra droga, aprub! — Atienza

Suportado ni Buhay Rep. Lito Atienza ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang trabaho sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Para kay Atienza, tama ang ginawa ng Pangulo na tanggalin ang responsibilidad sa Philippine National Police (PNP) dahil ang PDEA aniya ang angkop na ahensya para rito.

Naniniwala ang kongresista na sang-ayon din ang taumbayan sa hakbang ng Presidente.

“We should all rally around President Duterte’s decision to give the PDEA this task. After all, the PDEA is the primary agency tasked with the government’s anti-drug effort,” pagbibigay-diin ng mambabatas.

Dapat din aniyang tiyakin na may sapat na pondo ang ahensya, kaya’t mungkahi ni Atienza, ilipat din sa PDEA ang P900 milyong “tokhang” budget ng PNP.

Tingin ng mambabatas, nasa P10 hanggang 15 bilyon ang kakailanganing pondo ng PDEA para makakuha ng dagdag na mga tauhan para sa epektibong giyera kontra droga.

“Kailangan ‘yan kundi kawawa naman ‘yung mga PDEA officer. They’ll be undermanned, underequipped, and they will fail,” sabi pa ni Atienza.

Nangangamba ito na kung hindi magtagumpay ang PDEA dahil sa kakapusan sa budget, ay ibabalik lang ulit sa pulisya ang operasyon kontra droga. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?