19

By

Lipas ng tatlong taon, Jarin nakaganti rin kay Ayo

Sharing is caring!

Hindi lamang National University Bulldogs ang nanalo kontra University of Santo Tomas Growling Tigers ngunit nakabawi na rin si ngayo’y NU coach Jamike Jarin sa mahigpit na karibal sa NCAA dati na si Aldin Ayo.

Noong 2015, nagkaharap ang dalawa sa NCAA finals kung saan naiuwi ni Ayo at ng Colegio de San Juan de Letran Knights ang kampeonato kontra kay Jarin at San Beda Red Lions.

2017 naman ay muling nagkaharap ang dalawa sa UAAP matapos lumipat ni Ayo sa De La Salle University noong 2016 at ni Jarin sa National University. Sa parehong laban sa pagitan ng dalawang koponan, natalo ni Ayo ang koponan ni Jarin.

Sa pagbubukas ng UAAP Season 81, naiuwi ni Jarin ang kanyang unang panalo kay Ayo sa UAAP matapos padapain ng Bulldogs ang Growling Tigers, 75-70.

“It’s good to know that you reminded me,” saad ni Jarin. “We just played in NCAA and we’re here in the UAAP.”

Pinuri rin ni Jarin si Ayo at sinabing isang magaling na coach ito.

“He’s a very good coach,” ani Jarin. “I need to give credit to UST especially to its coaching staff led by coach Aldin Ayo because we had [17] point lead then all of the sudden they just kept on coming back.”

Binalik naman ni Ayo ang papuri kay Jarin at sinabing nakapag-adjust na ito.

“Coach Jamike [Jarin] is a good coach. Tested na rin siya eh, he has adjusted also dun sa system niya,” Ayo said.

Ang susunod na pagkakataon na magkakaharap sina Jarin at Ayo ay kapag naglaban na muli ang Bulldogs at Growling Tigers sa ikalawang round.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }