47

By

Linkin Park member, papasiklab sa Pinas

Darating sa bansa si Linkin Park lead vocalist Mike Shinoda para sa kanyang “Post Traumatic” tour sa September 6.

“It has been a long time since I played Taipei, Jakarta, and Manila!” sabi ni Shinoda sa Instagram post.

Gaganaping ang performance ni Shinoda sa New Frontier Theater sa Quezon City.

Simula sa June 29 ang betahan ng ticket para rito.

Huling bumisita sa bansa ang banda noong 2013 sa kanilang “Living Things” world tour.

Ilan sa sikat na kanta nila ang “In The End”, “Numb” at “Somewhere I Belong”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?