abby
By

Linis muna bago gamit pang-eskuwela – Mayor Binay

Sharing is caring!

Bago matatanggap ng mga estudyante ng mga pampublikong paaralan sa Makati City ang kanilang mga libreng gamit pang-paaralan, kailangan na makibahagi muna sila sa isasagawang Oplan Brigada Eskuwela.

Ito ang sinabi ni Mayor Abby Binay sa katuwiran na malaking tulong ang mga mismong mag-aaral sa paglilinis ng kanilang eskuwelahan.

Aniya, mas marami rin ang magagawa kung magtutulong-tulong ang mga estudyante at magulang sa paghahanda at pagsasaayos ng mga eskuwelahan.

Isinasabay ang pamamahagi ng mga libreng gamit sa pag-aaral sa mga estudyante sa pagsasagawa ng Oplan Brigada Eskuwela.

Nagsimula na ngayon ang paglilinis at magtatapos ito sa darating na Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?