97

Oct 26, 2017 @ 17:24

Linis mode sa sementeryo, sisimulan na ng MMDA

Simula ngayong araw ay tutulong na ang mahigit 2,800 tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa paglilinis ng mga pribado at pampublikong libingan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, bahagi ito ng kanilang pagkilos para sa paggunita ng bansa sa Araw ng mga Patay.

Sinabi nito, na ang mga tauhan nilang magiging bahagi ng kanilang Oplan Undas 2017 ay mga traffic constables at augmentation teams mula sa iba’t ibang departamento ng kanilang ahensiya.

Aniya, ipatutupad din niya ang ‘no day off, no absent policy’ sa kanyang mga opisyal at tauhan.

Banggit pa ni Lim, ang kanilang Oplan Undas 2017 ay magiging epektibo hanggang sa Nobyembre 2. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?