14

Dec 14, 2020 @ 21:02
By

Lindol sa Nepal ‘di malilimutan ni Tolentino

Sinabi ni Senador Francis Tolentino na hindi niya malilimutan ang napakalakas na lindol na tumama sa Nepal.

Aniya sa panayam sa kanya ni Jon Ibanez sa programang “Balitaan at Kumustahan” ng Politiko Live, makakatulong sa Pilipinas ang mga aral ng naturang lindol sa Nepal sakaling tumama ang “The Big One” sa Metro Manila.

Kabilang aniya sa rumesponde sa Nepal ang pinamumunuan niya noong Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“Nung napakalakas na lindol sa Kathmandu, Nepal, ang MMDA ang nagtirik ng bandera ng Pilipinas. Mayroong istasyon, ‘yung kabilang istasyon, sila ‘yung nakakita na nagbubukas ng sardinas ‘yung mga taga-MMDA. Sinusubukan na lang manghuli ng kambing doon,” pag-alala ni Tolentino.

“Kaya siguro magpapatunay po na wala namang boundaries ‘yung pagtulong. Dahil ‘yung bansa na iyon, mga walang visa pa nga ‘yung mga tao ko. Humabol na lang sa India, nag-tren at nakarating sa Nepal. Napakalakas ng lindol ng Nepal, hindi ko malilimutan. ‘Yung lessons doon, makakatulong din kung sakaling tatama ‘yung ‘The Big One’ sa Metro Manila,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?