22

By

Limousine ni Elvis Presley, isasalang sa auction

Hindi lang sa mga peanut-butter-bacon-and-banana sandwich mahilig si Elvis Presley kundi may koleksyon din ito ng mga sasakyan.

Mahigit 100 automobiles ang pag-aari ng King of Rock and Roll kabilang na ang ilang limousine.

Karamihan ng kanyang mga sasakyan pati na eroplano ay naka-preserve sa Graceland.

Isa rito ang nakatakdang ipa-auction, ang 1967 Lincoln Continental Executive Limousine, sa Monterey, California sa August 15.

Regalo umano ito ng manager ni Presley na si Tom Parker noong kinasal ang singer kay Priscilla taong 1967.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?