72

Jan 4, 2018 @ 12:17
By

Limos syndicate, kinumpirma ng 2 kidnapper

Nagsasagawa pa ng follow-up operations ang Southern Police District (SPD) kaugnay sa naarestong dalawang kidnapper kahapon sa Las Piñas City at Cavite.

Ayon kay SPD Director Tomas Apolinario Jr., aalamin nila kung ang nahuling mga suspek na sina Giselle Omayan at Sergio Dacallo ay miyembro ng isang sindikato na dumudukot ng mga paslit para gawing pulubi.

Sinabi ni Apolinario na una nang umamin sina Omayan at Dacallo na may mga kakilala sila na sangkot sa modus.

Inaresto ang dalawa dahil sa pagdukot sa isang 3-anyos na babae sa Las Piñas City noong Disyembre 30.

Ang bata ay ipinatutubos ng P3,000 sa mga magulang nito o ipagbibili sa sindikato ng P10,000 para mamalimos. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?