30

Nov 17, 2021 @ 12:07
By

Limited face-to-face class sa kolehiyo aprub sa IATF

May go signal na ang Inter-Agency Task Force para sa limited face-to-face class sa lahat ng kurso sa kolehiyo sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, 2 at 3.

Ito ang ipinahayag ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles matapos aprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng Commission on Higher Education o CHED para makabalik na sa eskuwelahan ang mga estudyante.

Magsisimula sa Disyembre ang phase 1 ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa alert level 2.

“Limited face to face are now allowed under Alert Levels1, 2 and 3, subject to certain conditions such as 50% indoor venue capacity, no opposition from the local government unit concerned, and participation of fully vaccinated teaching and non-teaching personnel and students only,” ani Nograles.

Ang phase 2 ay lalarga sa Enero 2022 para sa mga nasa alert level 3.

Ang phased face-to-face classes ay alinsunod sa Joint Memorandum Circular no. 2021-001 ng Department of Health at CHED na nagtatakda ng guidelines para sa dahan-dahang muling pagbubukas ng mga paaralan sa kolehiyo sa panahon ng pandemya.

Pero bago makapagbukas para sa limited face-to-face classes, kinakailangang sumunod ang mga kolehiyo at unibersidad sa health and safety protocols, room retrofit sa mga pasilidad at may pag-sang ayon sa mga stakeholders.

Kinakailangan ding masiguro na bakunado ang mga kasali sa limited face-to-face classes, kabilang na dito ang mga guro,staff at mga estudyante, at pagsusuot ng face mask, social distancing at madalas na paghuhugas ng mga kamay.

“As we slowly and cautiously open our college classrooms, we urge all stakeholders involved to work together to ensure the safety of our students so that they may be able to return to their schools secure in the knowledge that every effort has been made to safeguard their health,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?